Balikatan Exercise 2024, aarangkada na simula ngayong araw

 

Magsisimula na ngayong araw ang Balikatan joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, ito na ang pinakamalaking Balikatan Exercise sa loob ng apat na dekada.

Ani Dema-ala, lalahukan ito ng 16,700 na mga sundalo kung saan ang mayorya ay galing sa Estados Unidos at 5,000 naman mula sa Armed Forces of the Philippines.


Maliban dito, mayroon ding mga sundalo mula sa Australian Defense Force at French Navy.

Mayroon ding 14 bansa na magsisilbing observer, kasama na rito ang Japan at mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation.

Tampok sa Balikatan Exercise 2024 ang command and control, field training, humanitarian civic assistance at multilateral maritime exercise or joint sailing exercise sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Layon ng pagsasanay na magkaroon ng kolaborasyon, at pagpapalakas ng interoperability sa pagitan ng mga magkaalyadong bansa.

Inaasahang tatagal ang Balikatan Exercise 2024 hanggang sa May 10, 2024.

Facebook Comments