Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang pagsasagawa ngtaunang balikatan exercise sa bansa sa pagitan ng tropa ng Amerika, Japan,Australia at Pilipinas
Ito ang kinumpirma ni Army major Celeste Frank Sayson angPhilippine Balikatan Public Affairs Officer sa harap ito na nauna nang pahayagng Pangulong Rodgrigo Duterte na hindi na muli magsasagawa ng balikatanexercise sa bansa kasama ang mga Amerikanong sundalo.
Ayon kay Major Sayson sa ikalawang linggo ng Mayo sisimulanang mga aktibidad patungkol sa pagsasanay pero tutok na lamang ito sahumanitarian assistance disaster relief operation at counter terrorismoperation at wala na ang taunang ginagawang war games.
Sa unang mga linggo aniya ng aktibidad ay gagawin sa NationalCapital Region,isusunod sa Central Command at Northern Luzon Command.
Kasama rin sa pagdadausan ang Subic Zambales dahil ditomago-off load ang mga banyagang sundalo para makiisa sa taunang aktibidad.
Ang balikatan ay exercise ay taon taong ginagawa ng mgasundalong Pinoy Amerikano Japanese at Australyano sa bansa upang magpalitan ngmga ideya sa paglaban sa mga kalaban ng estado, at upang mapanatiling matatagang samahan na ng nabanggit na bansa.
Balikatan exercise na kasama ang mga Amerikanong sundalo, isasagawa pa rin sa bansa
Facebook Comments