Lalaki,patay sa pamamaril sa Taguig

35

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki na  umanoy kilabot na tulak ng iligal na droga saTaguig City.
  Sa report ng Taguig City Police, kinilala ang biktima nasi Rufo Daro.
  Ayon sa pulisya, nakatanggap sila tawag sa telepono mulasa isang team leader ng barangay na mayroong patay sa purok 1, PNR Site, FTI Complex,Western Bicutan.
  Nang puntahan ng mga pulis,  napag alamang nasa drugs watch list nglungsod si Daro.
  Tinutugis pa ang mga suspect sa pamamaslang na nakilalalamang sina Norodin alyas Norld, alyas Dong at Christian alyas Maeng.
  Tumakas umano sila matapos ang pamamaril.
  Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng 9milimeter na baril.

Facebook Comments