Balikatan Exercise sa Northern at Central Luzon, Pangungunahan ng US Army

51

*Cauayan City, Isabela*-Nakatakdang magsagawa ng Balikatan Exercise sa Northern at Central Luzon katuwang ang hukbo ng United State Amy Pacific sa unang quarter ng taon.

Una rito, nagsagawa na ng planning conference sa pagsasagawang Balikatan na pinangunahan ni BGen. Lihi ng 7th Infantry Division na nakabase sa US.


Ayon kay MGen. Pablo Lorenzo, Pinuno ng 5th ID, ito ay bahagi ng pagsasanay sa mga kasundaluhan.

Pinawi naman ni MGen. Lorenzo ang usapin na ito ay may kinalaman sa banta upang mas sumiklab pa ang tensyon sa pagitan ng bansang Iran at US.

Tiniyak naman ni MGen. Lorenzo na ito ay may kaugnayan lamang sa Balikatan dahil taun-taon naman aniya nagsasagawa ng Balikatan Exercise.

Facebook Comments