Lolo, nakita sa sementeryo ang sariling nitso na pinagawa raw ng dating asawa

14302

Hindi pa man namamatay ay may libingan na ang isang lalaki sa Angus, Scotland.

Laking gulat ni Alan Hattel nang makita ang nitsong nakapangalan sa kanya sa Newmonthill Cemetery sa Forfar, ayon sa ulat ng Metro noong Enero 22.


PHOTO courtesy: Paul Reid

Kaya naman daw pala mag-aapat na buwan nang ipinagtataka ng 75-anyos kung bakit walang tumatawag o nangungumusta sa kanya.

“My phone hasn’t rung for three or four months. I’ve been confused by it all but now I know why nobody has been calling,” saad ng retiradong welder.

Hinala ni Hattel, kagagawan ito ng dati niyang asawa na nakalagay rin ang pangalan sa parehong nitso.

“I’ve never, ever said I wanted to be buried alongside my ex-wife. We’ve been separated 26 years and there’s no animosity but I’m struggling to take it all in,” aniya.

Giit pa niya, cremation ang gusto niya at hindi libing.

Nakipag-ugnayan na ang matanda sa Angus Council upang takpan ang pangalan niya sa nitso.

Inaayos na rin daw ng pamilya ni Hattel ang isyu nang pribado.

Facebook Comments
From Advertisers