Matutuloy ang taunang Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa bansa sa buwan ng Mayo.
Ito ay sa kabila nang nakatakda nang pagtatapos ng Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Brig Gen Edgard Arevalo, walang magbabago sa orihinal na plano partikular ang bilang ng mga participants sa Balikatan Exercises.
Lalo’t ayon kay Arevalo hindi pa natatapos ang 180 days termination period.
Sinabi ni Arevalo kabuuang 10,875 na mga sundalo ang sasabak sa military training.
Mahigit apat na libo rito mga Pinoy na sundalo, mahigit anim na libo mga Amerikanong sundalo at 44 naman ay sundalo mula sa Australia.
Facebook Comments