Balikatan exercises, full blast na sa susunod na taon ayon kay Philippine National Defense Secretary Delfin Lorenzana

Naghahanda na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Military sa pagsasagawa ng “full blast” na Balikatan exercise sa susunod na taon.

Ayon ito sa Defense Secretary Delfin Lorenzana, aniya isa sa mga napag-usapan nang bumisita sa kanya ang Commander ng US Indo-Pacific Command Admiral John C. Aquilino

Sinabi ng kalihim na dahil sa pandemya, hindi nangyari noong nakaraang taon ang malalaking ehersisyo na tulad ng ginagawa sa mga nakalipas na taon.


Ngunit tuluy-tuloy naman aniya na hanggang sa Nobyembre ang mga exercise sa pagitan ng Philippine Army, US navy, Air Force at Marines.

Ayon sa kalihim, kung tuluyang nabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA), mawawala na ang taunang ehersisyo sa pagitan ng AFP at kanilang mga US counterparts.

Para kay Lorenzana, maganda para sa Pilipinas ang mga military exercise dahil dito nagkakaroon ng karanasan ang mga sundalong Pilipino sa mga makabagong kagamitan ng US at nagkakaroon din ng pagkakataon na masubukan ang mga gamit na maaring bilihin ng AFP.

Facebook Comments