Naghahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Armed Forces sa ika-38 Balikatan exercises sa bansa.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Jorry Baclor, ang pagsasanay ay mangyayari sa Abril sa mga lugar na sakop ng AFP Western Command, AFP Visayas Command at AFP Northern Luzon Command.
Isinasapinal pa ani Baclor ang bilang ng mga sundalo na lalahok sa Balikatan exercises.
Samantala, sinabi naman ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar na pinangungunahan ng AFP ang pagpaplano at pagpapatupad ng pagsasanay na sinusuportahan ng US Armed Forces kasama ang iba pang mga bansa na magsisilbi bilang observer.
Magreresulta aniya ang Balikatan exercises sa pag-unlad ng kakayahan ng AFP hindi lamang sa pagsasagawa ng external defense operations kundi sa pakikipagtulungan sa ibang mga bansa sa rehiyon laban sa terorismo at iba pang banta.