Balikbayan Boxes, pwede nang ma-monitor gamit ang Tracking System ng Bureau of Customs

Maaari nang ma-monitor ang mga ipinapadalang Balikbayan Boxes.

Ito ay sa pamamagitan ng Parcel Tracking System ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Customs Assistant Commissioner, atty. Vincent Maronilla, mababantayan na kung nasaan ang Balikbayan Box gamit ang Website ng BOC.


Handa na aniya ang sistema sa pagdagsa ng Balikbayan Boxes.

Patuloy pang pinagbubuti ng BOC ang sistema at kumakalap sila ng feedback para mas madali itong gamitin.

Nabatid na noong 2014 pa inilunsad ang programa pero nagkaroon ng problemang teknikal

Facebook Comments