Isasailalim na rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehabilitasyon ang Balili River sa Baguio City.
Ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Managementy and LGU Concerns Benny Antiporda – sa ilog dumadaan ang tubig na inilalabas ng sewerage treatment plant.
Lumabas sa datos ng environmental management bureau sa Cordillera Administrative Region (EMB-CAR), ang fecal coliform level sa Balili River ay nasa 1.6 trillion most probable number kada 100 milliliters.
Ibig sabihin, mas marumi ang ilog kaysa sa Manila Bay na nasa 35 million most probable number.
Patuloy na DENR ang pagsasaayos ng sewage treatment plant upang matiyak na sumusunod ito sa pamantayan.
Facebook Comments