Hindi na ikinagulat ng Chief of Staff ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang balitang hindi lehitimong Customs broker si Mark Taguba.
Ito ayon kay Atty. Mandy Anderson, ay dahil hindi naman talaga lahat ng nakikipagugnayan sa Customs ay maituturing na Customs broker.
Aniya, kailangan muna ng PRC license bago ka maituring na isang lehitimong Customs broker.
Gayunpaman sinabi ni Anderson na hindi lahat ng nakikpagugnayan sa Customs ay kasali sa mga kaparehong aktibidad na kinasasangkutan ni Mark Taguba.
Matatandaang si Mark Taguba ay nagpakilala bilang Customs broker sa isinagawang pagdinig sa kongreso kung saan nagbanggit ito ng pangalan ng mga empleyado ng Customs na di umano’y tumatanggap ng suhol, ngunit binawi rin naman niya kalaunan.
Samantala, kinumpirma ni Atty. Anderson na nakalabas na ng ospital si Customs Commissioner Faeldon, makaraan ngang ma-confine sa Manila East Medical Center sa Taytay, Rizal, matapos makaranas ng paninikip ng dibdib.