Manila – Bumuwelta ang Korte Suprema sa balitang sinuhulan umano ng P50 milyon ang ilang mahistrado para i-disqualify si Sen. Grace Poe.Hamon ni Associate Justice Teresita De Castro sa naglabas ng report na magpakita ng matibay na ebidensya para ito’y maimbestigahan ng Korte Suprema.Paliwanag pa ni De Castro, ang mga mahistradong pumabor kay poe ay mayroong magkakaibang opinyon.Ayon naman kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na bumoto pabor sa petisyon ni Poe, hintayin nalang ang kopya ng nasabing desisyon at huwag ng gumawa ng espekulasyon.Una nang pinayuhan ng Malakanyang ang publiko na huwag nang patulan ang mga naglalabasang paninira laban sa administrasyon.
Facebook Comments