Manila – Pumanaw na kahapon si Dating Senate President Jovito Salonga sa edad na 95.Una nang sinabi ni Atty. Roberto Mendoza – na kritikal na ang kondisyon ni salonga kung saan na-confine ito sa Philippine Heart Center.Pinangunahan ni Salonga ang oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.Naging pangulo rin ang dating Senador ng Liberal Party noong 1985.Si Salonga ang unang Chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na naatasang mag-imbestiga sa mga umano’y nakaw na yaman ng mga marcos.Nanilbihan din siya bilang senate president mula 1987 hanggang 1992.
Facebook Comments