Ballistic At Autopsy Report Sa Pagkamatay Ng 15-Anyos Na Dalagita Na Biktima Ng Ligaw Na Bala Sa Pagsalubong Ng Bagong T

5

MANILA – Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ballistic at autopsy report sa pagkamatay ng kinse-anyos na si Emilyn Villanueva-Calano, na biktima ng ligaw na bala sa malabon sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon.Itinaas naman sa reckless imprudence resulting to homeside ang kaso laban sa nakabaril kay Emilyn na si Renato Sy, Jr.Ayon kay Malabon Police Chief John Chua, lumalabas sa imbestigasyon na binaril ni Sy ang barangay tanod na si Patricio Muñoz noong December 31 pero, ang dalagita ang napuruhan sa ulo.Kaugnay nito, nakatakdang ilabas ng Dept. of Health, ngayong araw ang kanilang report hinggil sa pagkamatay ni Emilyn pero, naniniwala si Health Spokesperson Eric Tayag – na biktima ito ng ligaw na bala.Samantala – nanawagan ang ina ni Emilyn na si Marilyn Villanueva sa suspek na makonsensya at sumuko na.Sa ngayon – nakaburol ang biktima malapit sa kanilang bahay sa Malabon at wala pang petsa kung kailan ililibing ang dalagita.

Facebook Comments