Mga Plantang Sasabay Sa Maintenance Shutdown Ng Malampaya – Binalaan Ng Dept. Of Energy

13

MANILA – Binalaan ng Dept. of Energy ang mga planta ng kuryente na huwag sumabay sa maintenance shutdown ng Malampaya mula Enero 28 hanggang Pebrero 18.Sa isang interview sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentabella, na nakaschedule na ang maintenance shutdown ng malampaya sa loob ng dalawampung (20) araw.Naipaalam na rin ito sa ibang planta para maiwasan na magkasabay-sabay at kapusin ang suplay.Hindi rin anya sila papayag na samantalahin ang malampaya shutdown para lomobo ang singil sa kuryente.

Facebook Comments