Napigilan ang tangkang ballistic missile attack sa Dammam, ang oil-rich eatern region ng Saudi Arabia.
Wala pang umaako sa pag-atake pero itinuturong nasa likod nito ang Houthi group sa Yemen.
Ayon sa Saudi-led coalition, napigilan at nasira rin nila ang ballistic missiles patungong Jazan at Najran, gayundin ang tatlong explosive-laden drones patungo sa Kingdom.
Ang Eastern Saudi ay tahanan ng mahahalagang oil infrastructure na kamakailan lamang ay naging target ng mga aerial attacks.
Kabilang dito ang pag-atake sa dalawang planta ng Aramco noong September 2019 na pansamantalang nagpabagsak sa kalahati ng produksyon ng langis sa Saudi.
Facebook Comments