Ballot pre-shading sa Lanao del Sur, dapat maimbestigahan

Hinimok ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) ang Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang video kung saan nangyayari ang umano’y pre-shading ng mga balota.

Ang video ay nag-viral sa social media kung saan shine-shade ng isang babae ang balota na nangyari sa Lanao del Sur.

Ayon sa NAMFREL, ang video ay pwedeng magsilbing ebidensya na totoo ang pre-shading at posibleng nangyari rin sa ilan pang bahagi ng bansa nitong eleksyon.


Ang mas nakakaalarma anila, itinatanggi ito at iginigiit na nangyari na ito sa mga nakalipas na halalan.

Naniniwala rin ang NAMFREL na ang mabagal na pagpapalit ng vote counting machines (VCM) at depektibong SD cards ang nagbigay ng oportunidad sa ilan na magkasa ng ballot pre-shading.

Tiniyak ng Comelec na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa video at una nang nanawagan sa mga may impormasyon na lumutang.

Facebook Comments