Ballot printing para sa BSKE, aagahan ng Comelec

Sisikapin ng Commission on Elections (COMELEC) na matapos ngayong Disyembre ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa November 2026.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, aagahan ang ballot printing upang maging handa lalo’t kasabay nito ang preparasyon sa unang BARMM Parliamentary Elections.

Nasa 93 million na balota ang gagamitin sa BSKE kung saan 70 million ay para sa regular na botante at 23 million para sa boboto ng SK officials.

Inaasahang madaragdagan pa ng mahigit isang milyon ang mga botante lalo’t muling bubuksan ang voter registration ngayong October 20 na tatagal hanggang Mayo ng susunod na taon.

Facebook Comments