BALUKTOT | Sistema ng hustisya ng Pilipinas, napakabagal – Atty. Diokno

Manila, Philippines – Nababagalan ang dating Dean ng College of Law ng De La Salle University ang criminal justice system sa bansa.

Sa ginawang forum sa Tapatan sa Maynila, sinabi ni Atty. Jose Manuel Diokno, dating dean ng De La Salle University College of Law, baluktot ang sistema ng hustisya at hindi ito kasama sa agenda ng pamahalaan.

Hinalimbawa ni pa Diokno ang napakabagal na gulong ng hustisya gaya na lamang ng mga kasong kinakaharap ni dating first lady Imelda Marcos at maraming iba pang nakabinbin ngayon sa mga Korte.


Kakaunti lamang aniya ang nakakaalam ng apekto ng batas militar mula noong1972 hanggang 1986.

Kasabay nito tinuran ni Diokno na hindi maganda ang takbo ng human rights lalo na at yaong mga tagapagtanggol ng karapatang pantao ay hinaharas, inaaresto at ang iba naman ay napapatay.

Naniniwala si Diokno na habang hindi nababago ang gulong ng sistema ng hustisya sa bansa ay hindi makakamit ang tunay na pag-asenso ng sambayanang Filipino.

Facebook Comments