Balut Vendor, Huli sa Pagtutulak ng Droga!

*City of Ilagan, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang isang balut vendor matapos na madakip pa sa pagbebenta ng iligal na droga pasado alas diyes kagabi sa Brgy. Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Richelle Ramos, 36 anyos, may-asawa, at residente rin ng nabanggit na lugar.

Una rito, nagsagawa ng drug buybust operation ang pinagsanib na pwersa ng PNP Ilagan City at PDEA RO2 SET Northern Isabela laban kay Ramos na nagresulta sa pagkakaaresto nito.


Nagpositibo ang ikinasang transaksyon ng mga operatiba kung saan nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer sa suspek sa halagang isang libong piso.

Narekober naman sa pag-iingat ng suspek ang ginamit na buybust money at isang unit ng cellphone.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Richelle Ramos.

Facebook Comments