Sekyu na Most Wanted Person sa Benito Soliven, Isabela, Timbog!

*Benito Soliven, Isabela- *Arestado ang isang security guard na wanted sa kasong Homicide na itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang naarestong akusado na si John Dexter Galupo, 22 anyos, binata, at residente ng Brgy. Villaluz, Benito Soliven, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), si Galupo ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Primo G. Sio Jr. ng RTC Branch 96, Quezon City dahil sa kasong Homicide.


Nasa kustodiya na ng PNP Benito Soliven si Galupo para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Pansamantalang makakalaya si Galupo kung makakapagpiyansa ng halagang P120,000.00.

Facebook Comments