Balut vendor na kalalaya lamang, pinatay ng riding in tandem

508
PHOTO FROM JUN SANTIAGO, CSSR

QUEZON CITY – Patay ang isang tindero ng balut matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Mabilis Street, Barangay Pinyahan nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Paala, 46 taong gulang.

Ayon sa imbestigasyon, kalalabas lamang ni Paala ng selda dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga at nagbabagong buhay na nang maganap ang malagim na insidente.

Agad daw nagtakbuhan palayo sa lugar ang mga tao matapos makarinig ng tatlong putok ng baril.

Noong nakaraang linggo lamang ay nasawi din sa pamamaril ang isang babae sa parehong barangay.

Patuloy ang imbestigasyon at pagtukoy ng pulisya sa mga nasa likod ng sunud-sunod na krimen.

Facebook Comments