Bam Aquino, pasok sa top 12 ng official count ng Comelec

Napanatili nina re-electionist Cynthia Villar at Grace Poe ang pangunguna sa May 2019 senatorial race.

Ito ay base sa partial and official count ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC).

Ang canvassed votes na nagmumula sa 34 na certificate of canvass galing sa 130 clustered precincts sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at Philippine posts abroad.


Base sa pinakahuling NBOC official count mula noong alas-9:30 kagabi:

  1. Cynthia Villar 4,092,454
  2. Grace Poe 3,650,288
  3. Bong Go                         3,293,341
  4. Pia Cayetano 3,251,819
  5. Bato Dela Rosa 3,128,051
  6. Sonny Angara 3,022,955
  7. Imee Marcos 2,850,643
  8. Francis Tolentino 2,584,833
  9. Lito Lapid 2,520,316
  10. Koko Pimentel 2,439,571
  11. Nancy Binay 2,366,035
  12. Bam Aquino 2,335,724

Si Aquino lamang ang pambato ng oposisyon ang nakaabot sa top 12.

Humahabol sa ika-13 pwesto si Senador JV Ejercito (2, 292,264 votes) at dating Senador Bong Revilla Jr. na nasa ika-14 na pwesto na may 1,997,438 votes.

Facebook Comments