Bam Aquino, tanggap na hindi nakuha ang pangalawang termino sa Senado

Pinahayag ni Bam Aquino na tanggap niya na hindi siya pinalad na makuha ang panagalawang termino sa Senado.

Ayon kay Bam, hindi mauubos ang kaniyang pagmamahal sa kababayan at kagustuhang manilbihan sa kapwa.

Nagpasalamat siya sa mga sumuporta sa loob ng anim na taon at nangampanya kasama niya nitong nakaraang mga buwan.


Aniya, maski bago man sumapit ang May 13 elections ay tanggap na niya ang kaniyang kapalaran– manalo man o matalo.

“At buo pa rin ang tiwala ko sa Kanyang plano para sa akin at higit sa lahat, para sa ating Bayan,” dagdag niya.

Nasa ika-labingapat na puwesto si Bam Aquino na may 14 milyong boto.

Facebook Comments