Mga balak maging speaker sa 18th Congress, nangangalap na ng suporta

Wala pa mang 18th Congress ay nangangalap na ng suporta ang mga kongresistang lumulutang para upuan ang pinakamataas na posisyon sa Kamara.

 

Sinasabing mas malaki ang tsansang maging susunod na Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na napabalitang suportado ni Davao City Mayor Sarah Duterte.

 

Nagpahayag na rin si Mayor Sarah kung sino ang susuportahang Speaker sa susunod na Kongreso sa ginanap na pulong  ng Nationalist People’s Coalition.


 

Samantala hindi naman sumusuko si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na makuha ang loob ng Alkalde na naunang napaulat na nasa likod ng pagpapatalsik noon kay Alvarez.

 

Si Leyte Rep. Ferdinand Romualdez naman na nagbabalik Kamara ay napabalitang may 126 na pirma na sa manifesto of support para sa pagka-Speaker na pinapaikot sa mga kongresista.

 

Ang nagbabalik din na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ay umaasa naman sa boto ng 42 na halal mula sa Nacionalista Party na kanyang kinabibilangan.

 

Facebook Comments