Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, muling ginisa sa pagdinig ng Senado; alkalde, iginiit na hindi siya konektado sa POGO

Muling nanindigan si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isa siyang Pilipino at hindi espiya ng China.

Kasunod ito ng muling pagbusisi ng Senado sa personal information at isyu sa birth certificate ng alkalde kung saan nakasaad na kasal ang kanyang Pilipinong ina sa kanyang ama na Chinese.

Pero iginiit ni Guo na sa pagkaka-alam niya ay hindi kasal ang kanyang mga magulang.


“Wala po akong idea po dun sa birth certificate ko po dahil hindi po ako ang nag-prepare nung sa birth certificate ko po.”

“Your honor, hindi po kasi namin pinag-uusapan po sa bahay.”

Samantala, itinanggi naman ng alkalde ang alegasyon na may live-in partner siyang public official na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

“Your honor, wala po akong alam na may mayor na naka-link po sa’kin gawa po ng siya nga po ay nag-o-operate ng POGO business po, at wala rin po akong POGO business po your honor.”

Facebook Comments