Chelsea Manalo ng Bulacan, kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2024

Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2024 ang pambato ng Bulacan na si Chelsea Manalo.

Pinataob ni Manalo ang 52 iba pang kandidata dahil sa husay sa pagrampa at pagsagot sa preliminary round.

Samantala sa top 5 question and answer portion, tinanong si Manalo kung paano niya gagamitin ang kanyang ganda at kumpiyansa para maka-empower ng iba.


“As a woman of color, I’ve always been told that beauty has standards. But I have always listened to my mother to always believe in yourself and uphold the vows that you have in yourself. because of this, I am already influencing a lot of women who are facing me right now. As a transformational woman, I have here with me 52 other delegates who have helped me become the woman I am.”

Taong 2021 nang unang sumabak sa Miss Universe Philippines ang Filipino-American beauty kung saan nanalo sa nasabing batch si Beatrice Luigi Gomes ng Cebu City.

Nagtapos naman siya sa top 15 sa kauna-unahang pagsabak sa Miss World Philippines.

Samantala, hinirang naman bilang first runner-up si Stacey Gabriel ng Cainta; second runner-up si Ahtisa Manalo ng Quezon Province; third runner-up si Tarah Mae Valencia ng Baguio habang fourth runner-up ang pambato ng Taguig na si Christi Mcgarry.

Si Manalo ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2024 pageant na gaganapin sa Mexico sa November.

Facebook Comments