Bambanti Photo Contest, May 10 Libong Pisong Premyo

Ilagan City, Isabela – Mag-selfie kasama ang bambanti at magkaroon ng tsansang manalo ng 10 libong piso at Grand Concert Party ticket sa gaganaping Bambanti Festival 2018.

Ito ang paanyaya ng mga organizers ng nabanggit na pagdiriwang matapos nilang isama sa hanay ng mga paligsahan ngayong taon ang “Maki-selfie Kay Bambanti” Photo Contest.

Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mamamayan ng lalawigan ng Isabela na may Facebook account at kailangan lamang umanong magselfie o magpa-litrato kasama ang bambanti gamit ang inyong camera o cellphone.


Kinakailangan din umanong lagyan ng caption o maikling paglalahad tungkol sa iyong karanasan sa Bambanti ang kuhang litrato bago ito ipadala sa email address na infoletters0248@gmail.com.

I-like at i-follow ang facebook page na ISABELA: Sentro ng AGRIkultura, kung saan dito ipopost ang mga ipapadalang litrato at sa ika 27 ng Enero, ala una ng hapon, pipili ang Provincial Information Office ng top 10 finalists base sa dami ng likes at shares na makukuha ng bawat entry.

Kaagad may isang libong piso na ang pasok sa top 10 at sa ganap na alas siete ng gabi ay itatanghal naman ang magiging kampeon base pa rin sa dami ng likes at shares.

Sampung libong piso at tiket sa grand concert party na kabibilangan ng mga artista mula sa Maynila ang magiging premyo ng mananalo.

Facebook Comments