Isa biktima ng holdap habang isa naman biktima ng snatching

Isang empleyado ng Robinson ang dumulog sa PP2 matapos siyang maholdap kamakalawa ng gabi sa pastor kimpo street barangay RH-13..Kinilala Ang biktima nasi Cesar Camaganakan jr.21 anyos na residente ng Pachero RH-12. Sa kanyang report,pasado alas nueve ng gabi habang siyay naglalakad pauwi ng kanyang bahay nang pagsapit sa tapat ng Enter-enter ay bigla siyang nilapitan ng dalawang single motorcycle na may apat na sakay at doon ay tinutukan siya ng baril sabay deklara ng holdap…Wala nagawa ang biktima kundi ibigay na lang ang cellphone nitong nagkakahalaga ng 8000 pesos.. Naplkahan naman ng biktima ang dalawang motorsilo na isang kulay pulang Kawasaki Rouser may plakang MC-59359 at isang kulay blue na Honda wave na kalansay..Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow-up ang intel operatives ng CCPO para mahuli itong mga holdaper… Samantala isang estudyante rin ang biktima ng snatching habang itoy sakay ng townace pasado alas singko ng hapon..Pauwi na sana ang biktima sa Awang ng matraffic ang sinasakyan nitong townace sa tapat ng Servitek at ditto na hinablot ng isang pasahero na snatcherang OPPO cellphone ng estudyante.

Facebook Comments