Bamboo Development Project, Aprubado na rin ng LGU Diffun

Cauayan City, Isabela-Aprubado na ng Lokal na Pamahalaan ng Diffun sa lalawigan ng Quirino ang ordinance no. 41-2021 o Bamboo Development Project at ang paglalaan ng pondo para rito.

Kabilang sa mga mahalagang bahagi ng nasabing ordinansa ay ang paghahanda ng isang Comprehensive Bamboo Development Plan para sa mga bayan upang alamin ang mga lugar o lupain na kabilang sa riparian zones, watershed areas, at communal forests.

Dagdag rito, nakasaad din sa ordinansa na ang isang pondo mula sa 20% Development Fund ng Lokal na Pamahalaan ay dapat ilaan upang maipatupad ang iba’t ibang mga probisyon ng ordinansa.


Ang LGU Diffun ang pangatlong munisipalidad sa Lalawigan ng Quirino na gumawa ng batas patungkol sa kahalagahan ng kawayan habang nauna na ang mga bayan ng LGU Cabarroguis at Saguday.

Una nang naaprubahan ang ordinansa noong Abril 30 taong kasalukuyan matapos ang roll-out nito noong Enero na pinangunahan ng DTI R2 Quirino Provincial Office, bilang tugon sa direktiba ng ahensya na magpatupad ng Cagayan Valley Bamboo Development Project.

Facebook Comments