Thursday, February 12, 2026

Ban ng China sa 16 na Kalayaan municipality officials, isang uri ng paghihiganti —kongresista

Nakikiisa si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa 16 na mga lokal na opisyal ng Kalayaan, Palawan na pinagbawalan ng China na pumasok sa kanilang bansa gayundin sa Macao, at Hong Kong.

Malinaw para kay Cendaña na paghihiganti ang desisyon ng China matapos na magpasa ng resolusyon ang lokal na pamahalaan ng Kalayaan na nagdedeklarang “persona non grata” sa Ambassador ng China.

Ayon kay Cendaña, ang hakbang ng China ang kapalit ng patuloy na pagtatanggol at paggiit sa soberanya at teritoryo ng Pilipinas.

Umaasa si Cendaña na tutularan ng lahat ng opisyal sa gobyerno ang pinamamalas na kagitingan ng mga pinuno at mga residente ng Kalayaan.

Facebook Comments