Nilinaw ng Palasyo na nananatili ang travel ban sa mga international tourists.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Nograles bunsod nang pagtatanggal sa umiiral na ban na magmumula sa redl ist countries.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa bansa ng mga turista liban na lamang kung sila ang diplomat o mayroong valid at existing visas.
Aniya, tanging ang mga Pinoy lamang na magmumula sa red list countries pero lulan ng Bayanihan flights, government and non-government repatriation flights ang papapasukin sa bansa.
Kabilang sa red list countries ay ang Antigua, Barbuda, Aruba, Canada, Curacao, French Guiana, Iceland, Malta, Mayotte, Mozambique, Puerto Rico, Saudi Arabia, Somalia, Spain, U.S at Virgin Islands na tataggal hanggang January 31, 2022.