Ban sa pag-aangkat ng karne mula Brazil, posibleng alisin na ng Department of Agriculture

Manila, Philippines – Posibleng alisin na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawal o ban sa pag-aangkat ng karne mula sa Brazil ngayong buwan.

Matatandaan kasi na mula nang makitaan ng salmonella bacteria ang ilang sampol ng karne na inangkat sa Brazil ay ipinatigil muna ng DA ang pag-aangkat noong Hulyo.

Bukod sa Pilipinas, may ilang bansa rin tulad ng Amerika ang nagpatupad ng ban sa Brazilian meat.


Sabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol, nagpadala na sila ng team sa Brazil para inspeksyunin ang mga plantang pinagmumulan ng mga imported meats.

Pero kaagad naman itong tinutulan ni Rosendo So, presidente ng SINAG o Samahang Industriya Sa Agrikultura.

Katwiran ni So, bukod sa salmonella mayroon ding FMD o foot and mouth disease sa naturang bansa.

Facebook Comments