Pinalawig ng Pilipinas ang ban sa pagpapapasok ng mga dayuhan sa bansa hanggang sa April 30.
Nakatakda sanang magtapos ang ban sa April 21 matapos itong ipatupad noong March 22 dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Pero papayagang makapasok sa bansa ang mga foreign national na may valid entry exemption documents na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago ang March 22, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang rin sa exceptions ang mga sumusunod:
Diplomats
Miyembro ng international organizations at kanilang dependents
Mga dayuhang may kaugnayan sa medical repatriation
Foreign seafarers sa ilalim ng green lane program para sa crew change
Dayuhang asawa at mga anak ng mga Pilipino na kasama nilang bumiyahe
Emergency o humanitarian cases
Samantala, ang lahat ng mga Pilipino ay pinapayagan ding makabalik sa Pilipinas.