Ban sa shipment ng poultry products, ni-lift na ng Department of Agriculture

Manila, Philippines – Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa shipment o pagbibiyahe ng poultry products na nanggagaling sa Luzon patungo sa ibang panig ng bansa.

Sa presscon, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ito ay kasunod ng naging rekomendasyon ng mga Biosecurity experts na ligtas na o hindi maaring kumalat pa ang bird flu na tumama sa San Luis, Pampanga at sa Jaen, Nueva Ecija.

Nakumpleto na ng Avian Flu Task force ang culling ng 500,000 na manok, itik at pugo at panabong na manok sa may 29 farms sa San Luis at kalapit na lugar.


Maliban dito, lumabas na ang resulta ng pagsusuri sa samples na ipinadala sa laboratory test sa Australia at nagposotibo ito sa H5 strain.

Pero, sinabi ni Piñol na hindi ito nakahahawa sa tao.
Gayunman, mahigpit pa rin ang ipatutupad na quarantine measures ng DA.

Facebook Comments