Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Banaue sa Ifugao na sinalanta ng matinding pagbaha nitong Huwebes.
Sa inisiyal na tala ng DSWD Field Office Cordillera Administrative Region, dalawang bahay ang nawasak habang 327 naman ang bahagyang nasira.
Abot sa 300 pamilya o 1,500 indibidwal mula sa anim na barangay ang apektado ng pagbaha.
Tatlong residente naman ang nagtamo ng minor injury.
Problema ngayon ang suplay ng tubig matapos na mapinsala ang ilang tubo ng water system.
Samantala, naibalik na ang kuryente sa buong bayan dakong alas-5 ng hapon noong Biyernes.
Patuloy din ang clearing operation ng PNP, BFP, AFP AT DSWS na nakatuon ngayon sa sentro ng bayan.
Facebook Comments