Manila, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng 119th araw ng kalayaan nagdaos ng flag-raising ceremony ang mga lokal na opisyal, mga sundalo, pulis at mga residente ng Marawi City.
Kahit nagpapatuloy ang bakbakan at may maririnig na malalakas na pagsabog, malakas na inawit ng lupang hinirang sa Marawi City hall habang isinasagawa ang pagtataas ng watawat sa city hall.
Hindi naman napigilan ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra na maluha nang magpasalamat sa tropa ng gobyernong tumutulong sa kanila upang maibalik sa normal ang lungsod.
Nabatid na habang idinadaos ang flag-raising, tatlong aircraft ang nagsasagawa ng air strike sa mga pinaniniwalaang kuta ng Maute na malapit lang sa city hall.
Bukod sa Marawi City Hall, naidaos din ang flag raising ceremony sa 39 na mga bayan sa Lanao De Sur ngayong ginugunita ang araw ng kalayaan.
Photo from: PTV
DZXL558