BANGABANDHU GOLD CUP | Goal ni Daniels nagpanalo sa Azkals kontra Bangladesh

35

Hindi inalintana ng Philippine Azkals ang hostile crowd para ipalasap sa host Bangladesh ang 1-0 na talo sa Bangabandhu 2018 Gold Cup sa Sylhet District Stadium.

Sa pagbubukas ng laban agresibo agad ang Bangladesh na todo ang suporta mula sa punong stadium.

Pero walang nagawa ang home team matapos maisalpak ni Kenshiro Daniels ang bola sa 24th minute para ibigay ang abante sa Azkals.

Ito ang ang unang international goal ni Daniels para sa Pilipinas.

Dahil sa panalo, nakuha ng Azkals ang liderato sa Group B ng torneo patungong semifinals.

Unang nanalo ang Pilipinas sa Laos, 3-1 sa opening day ng torneo.

Makakalaban ng mga Pinoy footballer ang runner-up sa Group A sa crossover semifinals.

Facebook Comments