PNP Benito Soliven sa Isabela, Ipinagmalaki ang Aktibong Diskarte ng mga Pulis!

Benito Soliven, Isabela – Ipinagmalaki ng hepe ng PNP Benito Soliven ang umano’y aktibong diskarte ng mga pulis upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng  naturang bayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Joel Bumanglag, hepe ng Benito Soliven Police Station na malaking bagay umano ang ginagawang diskarte ng kanyang mga tauhan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng bayan ng Benito Soliven.

Aniya tuloy-tuloy umano ang prisensya ng mga pulis sa iba’t ibang lugar partikular sa mga daan ng naturang bayan upang malimitahan umano ang maaring maganap na krimen.


Iginiit pa ni PSI Bumanglag na patuloy din ang pag-iikot ng kanilang pulis patrol lalo na sa gabi upang mapigilan umano ang mga nagnanais gumawa ng hindi maganda o anumang krimen.

Samantala handang-handa naman umano ang pamunuan ni Police Senior Inspector Bumanglag sa nalalapit na 2019 eleksyon.

tags;Luzon,RMN Newqs Cauayan,DWKD 985 Cauayan,PNP Benito Soliven,PSI Joel Bumanglag

Facebook Comments