Ang BHNP ay isang protektadong lugar na matatagpuan sa munisipalidad ng Bayombong, Nueva Vizcaya.
Bukod sa marilag na tanawin na tinatanaw ang kabiserang bayan ng Bayombong, ayon sa DENR ay magtatatag din ang parke ng coffee shop na maghahain ng lokal na gawang kape at mga native rice cake.
Samantala, ang mga memorabilia at woodcraft production ay mga potensyal na proyektong pangkabuhayan din na ipakikilala ng PAMB sa BHNP People’s Organization.
Ayon kay DENR Regional Executive Director at PAMB chairperson Gwendolyn Bambalan, ang muling pagbubukas ng parke ay isang sustainable development approach para sa mas malaking oportunidad sa kabuhayan sa ekonomiya at pangangalaga ng natural na tirahan at mga mapagkukunan.
Kaugnay nito, ay patuloy parin na pinapaalalahanan ang mga bibisita na maging responsableng ecotourists kapag nasa loob ng Protected Area (PA) upang mapanatili ang natural na kapaligiran at biological diversity na nasa loob ng mga pambansang parke.