P5-M HALAGA NG PAPREMYO, MAAARING MAPANALUNAN NG MGA GURO SA ABRA

30
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers Day Culmination Program, nagsagawa ng isang raffle draw ang Department of Education sa pakikipagtulungan ng China Bank Savings para sa mga guro sa Abra na ginanap sa Abra Sports Complex.

Kabilang sa mga premyong mapapanalunan ay ang mga sumusunod: Toyota Innova, 30 Honda motorcycles, 26 Dell laptops, at P1-million worth of giveaways.

Ayon kay ginoong Resty John Prado – APD Lending Group ng CBS Sales Services Head, ang mga premyong ito na may kabuuang halaga na P5-milyong piso ay ibibigay sa mga mapapalad na guro na mananalo sa raffle draw.

Facebook Comments