Manila, Philippines – Hiniling ni Marinduque Representative Lord Alan Velasco sa Kongreso na tigilan muna ang mga pagkokomento sa 30th SEA Games.
Ito ay bunsod na rin ng batuhan ng sisi ng Kamara at Senado sa aberya sa SEA Games na naranasan ng mga atleta sa ibang bansa.
Ayon kay Velasco, hold muna ang anumang komento sa SEA Games dahil reputasyon ng Pilipinas at ng mga Pilipino ang nakasalalay dito.
Sa halip aniya ay mag-focus ang lahat kung paano pa maaayos ang mga problema sa natitirang araw bago ang SEA Games opening.
Mas mainam din aniyang maipakita sa mga banyaga kung ano ang mga pwedeng maipagmalaki pa ng mga Pilipino.
Sa kabilang banda ay inaasahan ng Kamara na marami ang mga maghahain ng resolusyon para paimbestigahan ang paggamit sa pondo at mga problema sa SEA Games.