BANGGAAN | 20 katao, patay sa salpukan ng jeep at bus sa Agoo La Union

Manila, Philippines – Patay ang 20 katao makaraang magsalpukan ang isang jeep at bus sa National highway ng Brgy. San Jose Sur Agoo La Union kaninang madaling araw.

Ayon kay Police Chief Supt. Romulo Sapitula ang Regional Director ng Police Regional Police Office 1, alas -3:30 ng madaling araw kanina nang mangyari ang malagim na aksidente.

Batay sa inisyal na report ng pulisya sakay ng private Isuzu Jitney na may plate number WST 575 na minamaneho ni Rolando Perez Jr. 34 anyos na residente ng Brgy Paringao, Bauang, La Union ang labing syam na pasahero ng sumalpok sa Partas Bus na may plate number 137704 na minamaneho ni Rodel Sadac, 43 anyos, residente ng Brgy Turod, Cabugao, Ilocos Sur.


Dahil sa lakas ng salpukan dead on the spot ang 20 katao kabilang ang 5 buwang gulang na sanggol.

Kinilala ang mga itong sina Florence Cabueñas, PepitoAntolin, Cecil Antolin, Mark Jerson Cabero,Rolando Perez, Vicky Cabagbag, Jeraldine Cabradilla, Kennedy Cabagba, Kyle Cabagbag – 6 months old, Anna Karina Ramiscal – menor ded edad, Claudia Cabradilla – minor, Jeffrey Cabradilla, Nadine Joy Cabueñas – minor, Norin Ivy Cabueñas – minor, Neil Ivan Cabueñas – minor, Manuelito Lomboy Jr., Claudine Cabradilla, Adila Antolin,Vergie Antolin at Nelson Cabuenas.

Habang patuloy na inoobserbahan sina Ronald Cabueñas, Ednalyn Ramirez, Ian Antolin, Herson Cabiro, Wenalyn Cabueñas, Jessa Mae Cabradilla, Chita Cabradilla, Johny Cabradilla at Jocelyn Cabradilla.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa malagim na aksidente.

Facebook Comments