IIMBESTIGAHAN | NBI, papasok na sa imbestigasyon sa pagkasunog ng Davao City Mall

Manila, Philippines – Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang nangyaring sunog sa Davao City Mall sa Davao City kung saan marami ang nasawi.

Partikular na iimbestigahan ng NBI ang pananagutang kriminal ng mga responsable sa insidente.

Inatasan din ni Aguirre ang NBI na agad na magsampa ng kaso sakaling matukoy ang pananagutan ng mga responsable sa trahedya.


Nagpa-abot din ng pakikiramay si Aguirre sa pamilya ng mga nasawi sa sunog.

Hiniling din ng kalihim ang panalangin ng bawat isa para sa mga naapektuhan ng sunog.

Facebook Comments