Banggaan ng Motorsiklo, 1 Patay, 3 Sugatan!

170

Cordon, Isabela – Dead on arrival sa pagamutan ang isang motorista habang sugatan ang tatlo pang katao sa naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo kamakailan sa Brgy. Taringsing Cordon, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Robert John Balagtas Orias, 29 anyos, binata, marketing supervisor at residente ng Brgy. Osmena, Cordon, Isabela habang kinilala ang mga sugatang biktima na sina Noel Abalos Gargasin, residente ng Purok 1 Brgy. Aguinaldo, Cordon, Isabela, at mga backriders na sina Marilyn Tagarino Valdez, 21 anyos, residente ng Brgy. Laurel, Cordon, Isabela at Mirriam Salvador Miranda, 20 anyos, residente naman ng Divisoria Sur, Maddela, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, parehong binabaybay ni Orias at Gargasin ang pambansang lansangan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng nasalpok ni Gargasin ang motorsiklong minamaneho ni Orias.


Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Orias na isinugod sa pagamutan ngunit idineklara din itong Dead on Arrival.

Dinala rin sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan para sa kanilang kaukulang lunas.

Inihahanda na ng PNP Cordon ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek.



Facebook Comments