Justice Sec. Guevarra, pai-imbestigahan ang pagputol ng tubig at elektrisidad sa bilibid compound sa Muntinlupa

Pina-iimbestigahan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang sinasabing pagputol sa supply ng tubig at kuryente sa ilang bahay sa compound ng new bilibid prison sa Muntinlupa City.

 

Nilinaw din ni Guevarra na hindi pa pinal ang planong paglilipat sa Nueva Ecija ng new bilibid prison.

 

Una nang nagmartsa patungong Muntinlupa City Hall ng mahigit isang daang residente ng New Bilibid Prison (NBP) sa pangunguna ng kalipunan ng mamamayan na pinagkaisa sa NBP, inc. (Kampina) para magpasaklolo sa gagawing demolisyon sa kanila.


 

Ipinagbabawal na rin ang pagpasok ng mga construction material sa compound at ang mga tindahan ng mga construction materials ay ipinasara rin.

 

Sinasabing ang naka-ambang demolisyon ay bahagi ng pagsasapribado sa halos 367 hectares na land area ng NBP.

Facebook Comments