Banggaan ng Motorsiklo at Pick-up, Tatlo Sugatan!

95

*Luna, Isabela- *Sugatan ang tatlong katao matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang pick-up sa pambansang lansangan ng Brgy. Harana, Luna, Isabela.

Kinilala ang sugatan at driver ng motorsiklo na si Efren Semana, 55 anyos at ang kanyang dalawang pasahero na sina Marcela Semana, 53 anyos at Zian Semana, tatlong taong gulang na pawang mga residente ng Brgy. Magsaysay, Cabatuan, Isabela.


Habang ang suspek at driver ng L200 pick-up ay nakilalang si Joselito Ladisla, 46 anyos, residente naman ng Ramirez St. District 3, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), magkasalungat na binabaybay ng motorsiklo at sasakyan ang lansangan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang lumiko sa kaliwang linya ang sasakyan na dahilan ng pagbangga ng paparating na motorsiklo.

Sa resulta, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay ng motorsiklo na agad namang dinala sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Nasa kustodiya na ng PNP Luna ang suspek maging ang dalawang sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments