Bilang ng mga tren ng MRT-3 na bumibiyahe, hindi babawasan kahit isinasailalim ito sa rehabilitasyon

Tiniyak ng Metro Rail Transit Line  3 management sa mga commuters na  hindi  mababawasan ang bilang ng mga  train na pinatatakbo sa MRT lines dahil sa MRT-3 Rehabilitation Project.

Mula pa noong Enero regular nang operational ang 15 train na tumatakbo sa mainline tuwing workdays at 12 train sets naman  kapag  holiday, Sabado at Linggo.

Kapag natapos na  ang rehabilitasyon asahan nang mapataas ang bilang ng operational train sets mula 15 patungong 20, ma-doble ang train operating speed sa 60 kilometers per hour at mabawasan nang kalahati ang travel interval ng bawat tren mula sa kasalukuyang 7-10 minutes patungong 3.5 minutes.


Tatagal ang rehabilitasyon at maintenance activities sa loob ng 43 buwan.

Habang ang pagsasaayos ng mga escalators at elevators ay matatapos sa loob lang ng 24 na buwan.

Facebook Comments