Banggaan ng Motorsiklo at Van sa City of Ilagan, Isabela, 3 Katao Sugatan!

54

*City of Ilagan, Isabela- *Sugatan ang tatlong katao matapos mabangga ng van ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa pambansang lansangan ng brgy Alinguigan 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) kinilala sa pangalang Raffy ang nasugatan at driver ng motorsiklo habang nakilala naman ang driver ng van na si Ronald Cabansag, 50 anyos, magsasaka at residente ng brgy Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Ilagan, nasa shoulder lane si Raffy patungong hilaga nang bigla itong nag U-turn dahilan ng pagbangga ng sumusunod na Van.

Dahil dito ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver ng motorsiklo maging ang dalawang backriders nito na agad namang dinala sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala na sa PNP Ilagan ang sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments