BENEPISYO | Pag-IBIG Loyalty Card Partners Summit, malaking tulong sa Pag-IBIG members

53

Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Pag-IBIG Loyalty Card Unit na malaki ang maitutulong sa kanilang mga partners at miyembro ang gaganaping ikalawang Pag-IBIG Loyalty Card Partners Summit.

Ayon kay Pag-IBIG Loyalty Card Unit Head Sally Banal magbibigay sila ng parangal sa Top 3 ng National Partners at Top 3 sa Luzon Visayas at Mindanao at NCR Award sa selected partners na nakapagbigay ng pinakamataas na diskwento sa mga miyembro ng Pag-IBIG.

Paliwanag ni Banal ang Loyalty Card Program ay karagdagang benepisyo ng mga miyembro kung saan makakuha sila ng ng diskwento mula sa 296 Partners Business establishment na kinabibilangan ng hospital, department store, eskwelahan, gasoline, pharma companies at marami pang iba.

Dagdag pa ni Banal na ang partners ay taunang okasyon ng Pag-IBIG Loyalty Card Partners Summit kung saan tinitipon ang kanilang mga partners para palalakasin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa at magbibigay din ng mga updates sa mga benepisyo ng mga miyembro nito.

Magbibigay din aniya ng maikling pagtalakay tungkol sa digital marketing at kung paaano makatutulong ang Pag-IBIG Loyalty Card sa negosyo ng mga partners.

Facebook Comments